Aklan News
KALIBO PNP NILINAW NA WALANG BIKERS NA NAHULI AT WALANG BISIKLETANG NA-IMPOUND DAHIL SA OPLAN SITA NG KAPULISAN


Nilinaw ng Kalibo Municipal Police Station na walang hinuling bikers at walang bisikletang na-impound dahil sa isinasagawang Oplan Sita ng mga kapulisan.
Ayon kay P/Major Jason Belceña, hepe ng Kalibo PNP na ang kanilang isinasagawang operasyon ay information dissemination lamang upang paalalahanan ang mga bikers na magsuot ng mga safety gears katulad ng helmet habang nasa kalsada.
Dagdag pa ni Belceña na kinakausap lamang nila at pinapangaralan ang mga bikers na sumunod sa mga traffic rules gayundin na maglagay ng warning devices sa kanilang mga bisikleta.
Saad pa ni hepe na huwag isipin na magsusuot sila ng helmet upang hindi mahuli, dapat umanong isipin nila na kailangan nilang magsuot nito para sa kanilang proteksyon lalo na sa mga national highway.
Samantala, binigyan-diin ni P/Major Belceña na hindi nila nililimitahan ang mga tao na gumamit ng biseklita katunayan aniya ini-engganyo nila ang lahat na gumamit ng bisikleta sa halip na gumamit ng sasakyan lalo na kung malapit lamang ang pupuntahan.
Mas maganda pa umano ang magbisikleta dahil bukon sa isa itong uri ng ehersisyo ay mapapangalagaan pa natin ang ating kalikasan.