Aklan News
Kalibo PNP, pinag-aaralan kung may sindikato sa likod ng muling pagdagsa ng mga Badjao sa Kalibo
Unti-unti na naman umanong dumarami ang mga miyembro ng marginalized sector partikular ang mga Badjao sa bayan ng Kalibo ayon kay PMAJ. Willian Aguirre, Deputy Chief ng Kalibo PNP.
Ito ang dahilan kaya marami na naman umano silang natatanggap na mga report kaugnay sa pangha-harass at pamamalimos ng ilan sa mga ito.
Tinawag ni Aguirre na ‘eyesore’ ang mga kabataan na ginagamit para makahingi ng pera na may mga bitbit na placards at maaari umano itong ikunsidera bilang child labor.
Pinangangambahan rin nila na baka masangkot ang mga bata sa aksidente sa kalsada dahil big-bigla lang tumatawid ang mga ito.
Kasalukuyan silang naninirahan sa ilalim ng tulay at wala rin umanong proper sanitation na maaring maging sanhi ng sakit o polusyon.
Dahil dito, balak raw niya na irekomenda sa nakatakdang pulong ngayong linggo ng Task Force Ligtas-Kalye na pag-usapan kung paano mai-rerescue ang mga ito nang hindi nalalabag ang kanilang karapatang pantao.