Aklan News
KALIBO PUBLIC MARKET, NASUNOG


KALIBO PUBLIC MARKET, NASUNOG
Nasunog ang Kalibo public market pasado alas 12 kaninang hating-gabi.
Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Kalibo, tinatayang umabot sa 276 stalls ang nasunog na kinabibilangan ng mga grocery stores, lutuan ng mga lumpia wrapper, restaurants, tindahan ng mga pasalubong, bigasan, tindahan ng ukay-ukay, money changer at iba pa.
Ayon sa ilang umuukopa ng stalls doon, nagsimula sa ibabang stalls ang sunog na umakyat sa ikalawang palapag ng public market.
Sa bilis at laki ng apoy, kaagad rumesponde ang BFP New Washington, Altavas, Balete, Libacao, Numancia, Kalibo Airport, Tangalan, Ibajay, Malay, Buruanga at maging ang firetruck ng Capiz na nagtulong-tulong upang maapula ang apoy.
Samantala, hindi rin magkaugaga ang may-ari at tauhan ng mga stalls sa pagsalba ng kanilang mga gamit at mga paninda palabas ng kalsada.
Idineklara namang fire under control ng BFP Kalibo ang sunog bandang alas 4:25 nitong umaga.