Aklan News
KALIDAD NG BIGAS SA AKLAN, PUWEDE NANG MAI-COMPETE SA IBANG LALAWIGAN


MAAARI nang makipag-kompetensiya ang lalawigan ng Aklan pagdating sa kalidad ng produksyon ng bigas.
Ito ay dahil maganda ang operasyon ng Aklan Grains and Milling Center ng gobyerno-probinsiyal ng Aklan na malaking tulong para sa mga rice farmer.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Salome David ng Office of the Provincial Agriculturist, sinabi nito na mayroon nang sirkulasyon ng bigas sa lalawigan na nagmumula sa Aklan Grains and Milling Center.
Aniya pa, ang kliyente ng Aklan Grains and Milling Center ay mga local rice traders ng lalawigan.
Saad pa ni David na milling process pa lamang ang kanilang isinasagawa dahil sa ngayon ay nasa land preparation pa lang ang mga magsasaka sa Aklan.
Subalit, kung mayroong mga magsasaka na magbebenta sa kanila ng palay ay tinatanggap pa rin nila ito.
Malaki bagay din aniya ito sa mga magsasaka sa Aklan dahil sa mas mura dito kaysa sa mga pribadong milling center.