Connect with us

Aklan News

Kaligtasan, seguridad ng publiko tiniyak ng Malay PNP sa selebrasyon ng kapistahan ni Sr. San Juan de Bautista sa Boracay

Published

on

TINIYAK ng Malay PNP ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa kasagsagdan ng selebrasyon ng kapistahan ni Sr. San Juan de Bautista sa isla ng Boracay.

Ayon kay PLt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay PNP, on-going na ang kanilang mga isinasagawang meeting kasama ang Local Government Unit at iba pang bumubuo ng Malay Inter-Agency Task Force para sa kanilang ilalatag na safety and security services.

Nais umano ng LGU at ng Malay PNP na mag-enjoy ang lahat sa nasabing selebrasyon at walang maitalang major incidents.

Magiging katuwang din ng mga kapulisan ang MDRRMO-Malay, Philippine Army, PCG, Maritime Group at lahat ng ahensiya ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Asahan din ayon kay PLt. Col. De Dios ang dagdag na bilang na mga kapulisan na idi-deploy sa isla para sa nasabing okasyon.