Connect with us

Aklan News

Kalye Rizal balak gawing China Street

Published

on

Photo: Google Map

Binabalak ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na gawing China Street ang Rizal Street sa Poblacion, Kalibo.

Ayon kay Vice Mayor Cynthia dela Cruz, patuloy na nag-eexpand ang Kalibo, marami ang nagsisilabasang mga bagong bar at restaurant pero nananatili pa ring matamlay ang nabanggit na kalye.

Kaya nitong Disyembre, naisipan nila na gumawa ng resolusyon para muling mabuhay ang turismo sa lugar.

Nagsagawa na rin umano sila ng initial talk sa mga negosyante at positibo naman ang naging sagot ng mga ito.

Balak nilang lagyan ng mga Chinese jewelry stores, Chinese Restaurants at mga palamuti ang lugar gaya ng Binondo na ginawang Chinese Town.

Plano rin nilang gawing ordinansa ang resolusyon kaugnay sa paggawa ng Chinese Street.