Connect with us

Aklan News

KAP HEAD JOHN PAUL GENETA, ITINANGGING NANGHIHINGI SYA NG PERA KAPALIT NG APPROVAL NG PERMIT FOR DERBY SA KALIBO COCKPIT ARENA

Published

on

Mariing pinabulaanan ni Security Officer II John Paul Geneta ang mga alegasyon humihingi siya ng pera kapalit ng pag-aapruba ng mga aplikasyon sa Permit for Derby sa Kalibo Cockpit Arena.

Ayon kay Geneta, pinuno ng Kalibo Auxiliary Police (KAP), isa lamang umano itong paninira sa kanya at sa lokal na pamahalaan ng Kalibo.

Totoo umanong hindi nagbigay ng Permit for Derby ang Kalibo LGU noong kasagsagan ng COVID-19 virus dahil isinailalim ang buong Lalawigan ng Aklan kasama na ang Bayan ng Kalibo sa Alert level 2 at 3.

Depensa ni Geneta, sumusunod lamang umano ang Kalibo LGU sa kautusan ng National Inter-Agency taskforce at sa inilabas na Executive Order ni Aklan Governor Florencio Miraflores na mahigpit na nagbabawal ng pagsasabong sa mga lugar na isinailalim sa nasabing alert levels.

Sinuportahan naman ni Andro Garcia, ang aplikante na hiningan umano ng pera ni Geneta, ang pahayag ng nasabing KAP leader.

Nito lamang Abril 4 ay nagpa-blotter si Garcia sa Kalibo Municipal Police Station kung saan pinabulaanan din niya ang akusasyon kay Geneta.

Samantala, inaprubahan na umano ang lahat ng aplikasyon para sa Permit for Derby sa Kalibo Cockpit Arena matapos ibaba ng National-IATF sa Alert level 1 ang buong lalawigan ng Aklan

Continue Reading