Aklan News
KAP member inirereklamo ng isang tricycle driver dahil sa nakalagay na “arrogant” sa kanyang tiket
INIREREKLAMO ngayon ng isang tricycle driver ang isang miyembro ng Kalibo Auxillary Police (KAP) matapos siyang tiketan dahil sa illegal u-turn sa bahagi ng crossing Banga-New Washington umaga nitong Setyembre a-17.
Dumulog sa Radyo Todo ang tricycle driver na si Aldrin Eco at inirereklamo ang KAP member na si Ricardo Bolano.
Aminado si Eco na nag-illegal u-turn siya ngunit ang kanyang ipinagtataka, bakit nilagyan ni KAP member Bolano ng “arrogant” ang kanyang ticket.
Dagdag pa nito na matapos siyang tiketan ay nais pa ng KAP member na umalis na siya at pinapaiwan ang kanyang lisensiya.
Aniya hindi niya maaaring iwanan ang kanyang lisensiya dahil bumabiyahe pa siya.
“Ro natabo abi sir hay nag-illegal u-turn ako sa may [Aklan Polytechnic College], syempre pinara na ako. Manami mat-a ro start it amon nga conversation ku una. Ginpangutana na ako kung ano ang violation, tapos gin-explain na kakon duyon. Nagpangayo man ako it pasensya ron. Tapos ging tan-aw na rang lisensiya. Pagtan-aw na sang lisensiya, napapanaw na ako ag nahawiran na rang lisensiya. Hay naghambae ako nga, ‘indi makon pwede Sir, gabiyahe ako. Aywanan ko ta makon kimo rang lisesniya’. Nagsabat mat-ang pasahero sa likod nga, ‘Sir, tiketi ta imaw, indi ta paghawiri ra lisensiya’. Naghambae imaw, ‘ah gale mana, duyon ing gusto.’ Dumaeagan imaw ag bumuoe imaw it anang ticket sa waiting shed. Tumabok imaw. Di hato Sir, tiniketan na ako sir. Pero nagahininyo pa ako gihapon ron nga basi hay indi syempre agahon pa ngani.” kwento ni Eco sa Radyo Todo.
Saad pa ng driver, hindi niya alam kung magkano ang multa na kailangan niyang bayaran dahil hindi naman sa kanya ibinigay ni Bolano ang tiket.
Iginiit pa ni Eco sa KAP member na dapat tiketan din ang mga pridadong sasakyan na iligal na nag-u-uturn sa nasabing lugar.
“Kami nga mga may franchise nga tricycle kung mag u-turn ag hidakpan, ticket eagi. Duyon ang buot hambaeon. Hay may diin, tapos dato ang hinambae, pinapirma na ako. Pagpirma ko, owa pa it “arrogant”. Pagtapos ko’t pirma, binutangan na it “arrogant” ‘ham-an makon sir it may arrogant?” pahayag nito.
Samantala, inamin ni Eco na nakapagbitaw siya ng masamang salita laban kay KAP member Bolano./SM