Aklan News
Kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa handang tumulong upang mapataas ang antas ng pamamahayag sa Aklan
Handang tumulong si Mr. Roy Mabasa, ang kapatid ng broadcaster na si Percy Lapid na mapataas ang antas ng pamamahayag sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Mabasa handa siyang tumulong sa mga gagawing aktibidad ng mga media sa lalawigan.
Aniya pa, hindi lamang sa antas ng pamamahayag kundi pati na rin ang may kaugnayan sa seguridad ng mga mediamen.
Kaugnay nito, ipinasiguro ni Mabasa na makikipag-ugyanan siya sa mga funding agencies upang makatulong sa mga mamamahayag na Aklanon na magkaroon ng training gaya ng paghawak ng baril at iba pang self-defense activities.
Binigyan-diin ni Mabasa na sa pamamagitan ng mga training na ito ay matututunan ng bawat mamamahayag sa Aklan na maprotektahan ang kanilang sarili at mabawasan ang banta sa buhay ng mga journalist.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Mabasa sa Aklan Media Integrated Alliance (AMIA) sa pagpapaabot ng simpatiya at pakikiramay sa kanilang pamilya.