Connect with us

Aklan News

Kapatid, sinaksak ng kanyang kuya

Published

on

Makikita sa larawan ang suspek na sumuko sa pulisya.

Sugatan ang isang 31 anyos na lalaki matapos umanong saksakin ng mismo niyang kuya bandang ala 1:30 kaninang madaling araw sa Sitio Kabutungan, Kinalangay, Viejo.

Nakilala ang biktimang si Joseph Isagre, 31 anyos, at ang kuya niyang suspek na si Vicente Isagre, 42 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Malinao PNP, kapwa umano nasa impluwensiya ng alak ang dalawa nang magtalo umano ang mga ito sa loob ng kanilang bahay hindi pa nalamang dahilan.

Doon na rin umano sinaksak ng kuya ang kanyang kapatid na tinamaan sa tiyan.

Kaagad siyang dinala ng mga taga MDRRMO Malinao sa provincial hospital, habang kaagad ding tumakas ang suspek matapos ang insidente, subali’t sumuko ngayon lamang umaga sa Malinao PNP Station.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo sa suspek, sinabi nito na magkasama rin silang nag-inuman ng kanyang kapatid sa isang handaan kung saan nauna umano itong umuwi.

Ayon pa sa suspek, nadatnan na lamang niya ang kapatid sa kalsada na may hawak na itak at sinusumbatan siya tungkol sa pagisira nito sa kanyang bisekleta.

Kasunod nito, pinagtataga umano mismo ng kanyang kapatid ang kanyang motorsiklo.

Inawat naman ito ng kanilang ina, subali’t doon naman siya nito unang hinampas ng lagare sa tenga pagpasok nila sa kanilang bahay.

Doon na rin umano napuno ang suspek rason na kumuha ito ng patalim at sinaksak sa tiyan ang kapatid.

Kinaumagahan, umuwi pa umano ito sa kanilang bahay at nagpasama kay Kagawad Vicente Arevalo sa presinto ng Malinao PNP.

Pansamantala naman siyang ikinostodiya ng mga pulis para sa karampatang disposisyon.