Connect with us

Aklan News

Kapitan Antonio Fernando ng Capataga, nilinaw ang isyu tungkol sa pamamahagi ng RSBSA forms

Published

on

Nilinaw ni Brgy. Captain Antonio Fernando ng Capataga, Malinao ang mga alegasyon laban sa kanya tungkol sa pamamahagi nito ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Forms sa mga nasasakupan.

Matatandaang inereklamo ang kapitan dahil sa umano’y pamimili nito ng mga aaprubahan at ineendorsong forms at barangay certificate.

Depensa naman ni Fernando, ang mga RSBSA forms na ipinamigay nito sa mga tao ay galing sa Municipal Agriculture Office ng Malinao at kaunti lamang ito kaya pili lang ang mga magsasaka na nabigyan niya ng forms.

Itinanggi rin niya na nabanggit niya ang pangalan ni Congressman Teodorico Haresco at SB Greg Imperial sa pamamahagi nito. “Uwa ta ako sir kahambae karon,” saad ng punong barangay.

Kaugnay nito, isinalaysay niya na may isang lalaking taga Bulabod na pumunta at nagpumilit na magpapirma ng form sa kanya.

Pero dahil hindi niya sakop ang barangay ay minabuti niyang itinuro ito sa mismong kapitan ng Bulabod.

Iginiit pa ng punong barangay na hindi siya nangako na makakatanggap ng P5000 na ayuda ang mga nagpasa ng forms salungat sa mga ibinabatong akusasyon laban sa kanya.

via Kensley Anne Braulio/Trainee