Connect with us

Aklan News

KAPITAN NIEL CANDELARIO NILINAW NA HINDI SA BARANGAY NAGMULA ANG AYUDANG IPINAMAHAGI PARA SA MGA BIKTIMA NI TYPHOON ODETTE

Published

on

KAPITAN NIEL CANDELARIO NILINAW NA HINDI SA BARANGAY NAGMULA ANG AYUDANG IPINAMAHAGI PARA SA MGA BIKTIMA NI TYPHOON ODETTE
Photo Courtesy| Doniel Aguirre

NILINAW ni Kapitan Niel Candelario, punong barangay ng Poblacion Kalibo na hindi nagmula sa barangay ang ipinamahagi na ayuda para sa mga biktima ni bagyong Odette.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Candelario sinabi nito na sa katunayan ay nagulat lamang siya ng may dumating na listahan ng mga kwalipikado sa kanyang tanggapan.

Aniya ang nasabing ayuda ay nagmula sa national government sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dagdag pa ni Candelario na ito ay para sa mga indibidwal na nag-evacuate sa barangay hall ng Poblacion, Kalibo.

Paglilinaw ng punong barangay na hiningan lamang siya ng listahan ng mga evacuees na tumuloy sa kanilang barangay hall kaya nagsumite siya kaagad sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Saad pa nito na hindi niya inaasahan na may darating na ayuda para sa mga nabiktima ng bagyo.

Binigyan-diin din ni kapitan Candelario na iyong mga nag-evacuate lamang sa Barangay Hall ang hiningi mula sa kanya dahilan na iyon lamang ang kaniyang ibinigay.

Ang nasabing ayuda ay nagkakahalaga ng isang libong piso kada indibidwal at limang libo piso sa bawat pamilya na may lima o mahigit pa na miyembro.