Connect with us

Aklan News

Kapitan, tinaga ang kapatid matapos pag-awayan ang pagpapaayos ng bahay ng kanilang ama

Published

on

Dinampot ng pulisya ang kapitan ng Brgy. Medina, Madalag dahil tinaga nito ang kanyang nakababatang kapatid dakong alas-10 kagabi.

Kapwa nakainom ang suspek na si Peggie Nabor, 45 anyos at kapatid na biktimang si Perry Nabor, 28 anyos.

Ayon sa biktima, napag-usapan nila ng kanyang kuya ang pagpapaayos ng bahay ng kanilang ama.

Pero nauwi ito sa hindi pagkakaintindihan at away kung saan kumuha ng patalim ang kapitan at tinaga ang kapatid sa kanang binti.

Dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima habang ang kanyang kapatid naman ay pansamantalang ikinustodiya ng Madalag PNP Station.

Ayon sa biktima, wala siyang balak na sampahan ng kaso ang kanyang kuya at handa siyang makipag-ayos dito.