Aklan News
Kapulisan pinuri sa Sangguniang Panglungsod re: ‘Peaceful’ Sinadya 2019
Pinuri ng City Council ang Roxas City PNP, mga augmented PNP personnel at iba pang law enforcers kasunod ng mapayapa at maayos na selebrasyon ng Sinadya 2019.
Sa regular session ng Sangguniang Panglungsod, pinuri ni Dr. Cesar Yap ang kapulisan sa “zero major incident” na Sinadya sa kanya naging privilege speech
Sinabi naman ni Konsehal Moring Gonzaga, napansin niya na kulang sa allowances ang mga kapulisan, mga tanod, at auxiliary police niting nakaraang selebrasyon.
Iminungkahi niya sa konseho na magawan ng paraan na mabigyan sila ng sapat na allowance para maging mas epektibo pa sila sa kanilang gawain sa susunod na taon.
Samantala, nais rin ni Dr. Yap na bigyan ng komendasyon ang Roxas City PNP sa kanilang mga illegal drug accomplishment sa pangunguna ni PLtCol. Ricardo Jumuad.
Nabatid na mula Hulyo hanggang Disyembre nitong taon, 11 drug operation na ang ikinasa ng Roxas City PNP kung saan 19 ang naaresto at umabot sa mahigit 79 gramo ng iligal na droga ang nakumpiska na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.