Connect with us

Aklan News

Karpintero, kalaboso matapos mahulihan ng kutsilyo

Published

on

Arestado

Malinao – Kalaboso ang inabot ng isang karpintero matapos mahulihan ng kutsilyo kagabi sa Tambuan, Malinao.
Nakilala ang suspek na si Benjie Turado, 42 anyos ng nasabing lugar.

Base sa report ng Malinao PNP, pasado alas 11:00 kagabi nang maispatan ng mga nagpapatrolyang pulis ang nagmomotorsiklong si Turado sa lugar.

Pinara umano nila ito at kinausap dahil sa paglabag nito sa curfew, nang makita umano nila ang patalim sa kanyang beywang.

Kaugnay nito, inaresto siya ng mga pulis at pansamantalang ikinustodiya sa Malinao PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa BP 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon na isasampa sa kanya ngayong araw.

Ayon pa sa Malinao PNP, sinabi umano ng suspek na pinadala lamang sa kanya ang nasabing patalim bilang pang ‘self-defense’ sa pag-uwi, lalo pa’t gabi na siya nakaalis sa Tangalan kung saan siya nagtatrabaho bilang karpintero.