Connect with us

Aklan News

Kaso laban sa pulis na namaril-patay sa Boracay, nahulog sa homicide

Published

on

Nahulog sa Homicide ang kaso laban sa pulis na si PSsgt. Lloyd Reymundo na namaril-patay sa Boracay.
Ayon sa nanay ng biktima, Murder ang isinampang reklamo ng Malay PNP kanina pero ibinaba ng Aklan Provincial Prosecutors Office sa Homicide dahil wala diumanong elemento ng treachery o planadong pagpatay ang mga suspek sa anak nyang si Benjie Quiatchon.
Dahil dito ay maari ng magpyansa si Reymundo para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Dismayado naman ang pamilya sa desisyon ng piskalya at plano diumano nilang magsampa ng Motion for Reconsideration.
Matatandaang nag-away si Mark Ramir Perlas at si Benjie sa isang bar sa Sitio Manggayad, Manocmanoc, Boracay noong madaling araw ng Myerkules.
Umawat diumano si PSSgt Reymundo pero sinapak ito ni Benjie na may hawak na matigas na bagay at saglit na nawalan ng malay ang nasabing pulis.
Nang magising ito ay hinabol nila ang biktima sa layong halos 300 metro at pinagbabaril-patay gamit ang kalibre 9mm.
Agad na tumakas ang dalawa at Huwebes ng gabi ay sumuko si PSSgt Reymundo sa kanyang hepe at dinala sa Tibiao, Antique Police Station at ipinasa kahapon sa Malay PNP trackers team.
Si PSSgt Reymundo ay taga Boracay pero naassign sa Caluya, Antique Municipal Police Station.
Samantala, patuloy namang at large si Perlas.