Aklan News
KASO NG COVID-19 SA PROBINSYA NG AKLAN, LAMPAS 5000 NA
Lagpas na sa 5000 ang kumpirmadong kaso ng CoViD-19 sa probinsya ng Aklan.
Base sa inilabas na data ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ngayong gabi, sumampa na sa 5,036 ang kumpirmadong kaso sa probinsya makaraang madagdagan ng 73 panibagong kaso kung saan 829 dito ang aktibong kaso ng CoViD-19.
Lumalabas na 23% ito sa kabuuang 317 samples na isinailalim sa tests kahapon (July 7).
Muling nanguna ang bayan ng Kalibo sa may pinakamaraming bagong kaso na 22, Lezo-16, Malay-8, Nabas-7, tig-4 sa Ibajay, Makato at Malinao, Buruanga-3, Batan at Numancia tig-2 at Madalag-1.
4,094 naman ang total recoveries matapos madagdagan ng 66. Samantalang, isa naman ang nadagdag sa mga namatay na nagdala sa total deaths sa 113.
Narito naman ang status ng mga kumpirmadong kaso ng CoViD-19 sa bawat munisipalidad:
Kalibo – 1280
Malay – 672
Nabas – 409
Ibajay – 369
Banga – 358
New Washington – 339
Numancia – 331
Makato – 239
Altavas – 145
Lezo – 144
Balete – 137
Tangalan – 136
Batan – 124
Malinao – 118
Buruanga – 93
Libacao – 87
Madalag – 45