Connect with us

Aklan News

Kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan umabot na sa 517, 3 patay

Published

on

Sumampa na sa 517 ang kaso ng dengue na naitala sa probinsya ng Aklan simula Enero hanggang Agosto 20 ngayong taon.

Batay sa ulat ng Department of Health (DOH) Western Visayas, 27 ang mga bagong kaso ng dengue na nailista sa Aklan simula nito lang Agosto 14 hanggang 20.

Tatlo na rin ang naiulat na namatay dahil sa nabanggit na sakit na dala ng lamok.

Ang pinagsama-samang kaso ng dengue sa buong Western Visayas ay lumobo na rin sa 10,899, mas mataas ito ng 600% kumpara sa kaparehong panahon noong 2021 na nasa 1,557 lamang.

Nangunguna ang Negros Occidental na may 181 cases sa may pinakamaraming bagong kaso ng dengue sa rehiyon base sa Morbidity Week (MW) #33 Update.

Pumapangalawa ang Iloilo Province namay bagong 79 cases at Antique na mayroong 35 cases.

Samantala, apat naman ang nadagdag sa Regional Dengue Death Count as of August 20, tatlo rito ang mula sa Negros Occidental at isa sa Antique, tanging ang Guimaras lang ang hindi nakapagtala ng dengue related deaths.