Connect with us

Aklan News

KASO NG MGA POSITIBO SA COVID-19 SA MADALAG, PATULOY ANG PAGTAAS

Published

on

Patuloy ang isinasagawang contact tracing at disinfection sa Madalag dahil sa mga bagong COVID-19 cases na naitala kahapon.

Walong bagong positibong kaso ang nadagdag kahapon batay sa pinakahuling tala ng Aklan Provincial Health Office.

Ayon kay Mayor Alfonso Gubatina ng Madalag, mayroon pang 37 isinailalim sa swab testing kahapon at hinihintay pa nila ang resulta.

Tatlong barangay aniya ang apektado sa ngayon, ito ang Brgy. Poblacion, Paningayan at Tigbawan.

Nagpatupad na ng surgical lockdown sa mga bahay ng mga apektado ng COVID-19 at pati na sa Madalag Public Market para sa disinfection.

Sa ngayon ay sarado rin ang munisipyo ng Madalag at ipinatigil na muna ang pagtanggap ng mga transaksyon dahil naka work from home ang mga empleyado.

Matatapos ang temporary lockdown sa March 19, 2021, Biyernes.

Sa ngayon, mayroon ng 1,027 na total confirmed cases, 884 total recoveries, 111 active cases at 32 deaths sa Aklan.