Connect with us

Aklan News

KASONG ADMINISTRATIBO NA ISINAMPA LABAN KAY MADALAG MAYOR ALFONSO GUBATINA, WALANG LEGAL NA BASEHAN

Published

on

Photo Courtes| Mayor Dindo Gubatina/Facebook

Walang legal na basehan, malayo sa katotohanan at hindi suportado ng mabigat na ebidensya ang kasong administratibo na isinampa laban kay Madalag, Aklan Mayor Alfonso Gubatina.

Ito ang tugon ng alkalde sa kasong Dishonesty and Misconduct in office na isinampa ni Madalag Vice Mayor Rex Gubatina sa Aklan Sangguniang Panlalawigan.

Sa isinumiting answer with motion to dismiss ni Mayor Gubatina, pinabulaanan nito na ang evacuation center na itinayo sa Barangay Talimagao, Madalag ay proyekto ng barangay at hindi ng lokal na pamahalaan at ito ay suportado ng mga dokumento.

Ang nasabi aniyang proyekto ay napag-usapan din sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at Municipal Development Council Meeting noong Hunyo 2019.

Samantala, sa alegasyon naman na wala itong prior consent o Resolution of Authority sa Madalag Sangguniang Bayan, ito aniya ay isang malisyosong kasinungalingan.

Dagdag pa ng alkalde na mismong ang minutes ng 25th Regular Session ng Madalag Sangguniang Bayan ang nagpapatunay na mayroong inaprubahang resolusyon ang konseho para sa realignment ng Municipal Disaster Risk Reduction Management fund para bigyang daan ang construction ng nasabing evacuation center.

Hindi rin daw alam ng punong ehekutibo kung mayroong Deed of Donation ang lupang kinatitirikan ng proyekto.

Ang malinaw aniya ay ang mismong Punong Barangay ng Talimagao ang nagturo sa mga surveyors kung saan itatayo ang evacuation center.

Hinihiling naman ni Mayor Gubatina sa Sangguniang Panlalawigan na ibasura ang nasabing kaso laban sa kanya dahil sa kakulangan ng ebidensya.