Connect with us

Aklan News

KASONG ADMINISTRATIBO, NAISAMPA NA LABAN KAY PMSGT. PETER UMITEN

Published

on

Kalibo, Aklan – Nahaharap sa kasong administratibo ang isang pulis na nagpaputok ng baril sa tatlong magkakapatid sa Crossing Buswang, Kalibo.

Sinabi ni Police Lieutenant Jane Panes, OIC Internal Affairs Office ng Aklan PPO, na ang IAS na sa Manila ang hahawak kasong sa Illegal Discharge of Firearms at Grave Misconduct ni PMSGT. Peter Umiten.

Ayon kay Panes, lahat ng kaso ukol sa ng mga pulis katulad ng Illegal Discharge of Firearms ay IAS Manila na ang magsasagawa ng summary hearing.

Nakatakda naman sa Pebrero 11, 2020 ang unang hearing ni Umiten.

Samantala, ang Kalibo PNP na umano ang bahala sa mga kasong kriminal na nais isampa ng mga biktima laban sa pulis.

Maaalala na inireklamo ng tatlong magkakapatid na nagbebenta ng barbeque si Umiten nang paputukan sila nito ng baril noong Disyembre 22.

Halimbawang mapatunayan na may nilabag na batas ay posible siyang patawan ng 1 rank demotion o matanggal sa serbisyo.