Connect with us

Aklan News

Kasong murder, isinampa laban sa tatlong Muslim na suspek sa pagpatay Kay Jack Mererague

Published

on

SINAMPAHAN na ng kasong murder ang tatlong mga Muslim na suspek sa pagpatay kay Jack Mererague, ang lalaking natagpuang bangkay na at nakabalot ng kumot sa Barangay Albasan, Numancia noong Disyembre a-2.

Kinilala ang mga suspetsado na sina  Omran Nasir, Najeb Madali at Fajad Macabidar at mga residente ng Barangay Camanci Norte, Numancia, Aklan.

Ayon kay PMaj Fidel Gentallan, hepe ng Numancia PNP, ang tatlo ang itinuturong suspek sa krimen batay sa mga nakolekta nilang ebidensiya at masusing imbestigasyon.

Saad pa ni Gentallan, bago sila nagbigay ng identity ay sinigurado muna nila ang mga pangalan ng mga suspek.

Aniya pa, isolated case lamang ang nangyari at hindi nila nilalahat ang mga kapatid nating Muslim.

Kaugnay nito, nakikiusap ang hepe ng Numancia PNP sa publiko na huwag i-generalized ang mga Muslim dahil ang kasalanan ng isa ay hindi aniya kasalanan ng lahat./SJBM