Aklan News
Kasong robbery with homicide, naisampa na laban kay Torrefiel
Nasampahan na ng kasong robbery with homicide ang suspek na si Mark Archie Torrefiel kaninang alas 8:15 ng umaga sa Provincial Prosecutor’s Office na may docket no. VI-01-INQ-22F-00296 sa harap ni Prosecutor 1 Jobert Martelino.
Matapos ang inquest proceedings, ibinalik sa kustodiya ng Kalibo PNP si Torrefiel habang hinihintay ang Commitment Order mula sa korte.
Maaalalang si Torrefiel ang suspek sa pagpaslang sa reliever branch manager ng RD Pawnshop sa Mabini St., Kalibo branch noong Hunyo 5 na si Bonna Hercia Ambay.
Nadiskubre na lamang ang bangkay ng biktima kinabukasan, Hunyo 6 matapos pumasok ang mga kasamahan nito sa trabaho.
18 tama ng pananaksak ang natamo ng biktima mula sa suspek at 4 ang patal dito base sa resulta ng otopsiya na ginawa ng SOCO.
Samantala, Hunyo 5, ng umalis si Torrefiel sa Aklan kasama ang live-in partner nito at sumakay ng barko papuntang Manila.
Ilang araw ding nagtago si Torrefiel sa batas hanggang sa mahulog ito sa kamay ng mga otoridad noong Huwebes, Hunyo 9. Iniuwi ito sa Aklan Hunyo 10, araw ng Byernes.