Aklan News
Katorse anyos na batang babae na umano’y tinangay at itinago ng kanyang tiyuhin, nasa kustodiya na ng Malinao PNP
Nasa pangangalaga na ngayon ng Malinao Municipal Police Station ang katorse anyos na batang babae na umano’y tinangay at itinago ng kanyang tiyuhin.
Nauna rito, kumalat sa social media ang post ng ina ng bata na nagsasabing magbibigay siya ng P20,000 na pabuya sa sinumang makapagbigay-alam sa kinaroroonan ng tiyuhin ng nasabing bata.
Batay sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, isang OFW ang ina ng bata at ipinagkatiwala lamang nito ang anak sa kanyang kapatid na babae at sa asawa nito.
Sa panayam naman ng Radyo Todo kay PLt. Gelbert Batiles Acting Chief of Police ng Malinao Municipal Police Station, sinabi nito na na-rescue nila ang nasabing bata at nasa pangangalaga na ng DSWD-Malinao.
Nilinaw din ni Batiles na hindi nagpabaya ang pamunuan ng Malinao PNP at ang DSWD-Malinao.
“Para magiging patas ag clear man para sa aton nga pumueoyong Akeanon, eabi eon gid sa Malinaonon, daya ro senaryo it daya nga insidente nga ku Sabado it mga past 11-o’clock in the morning may impormasyon nga nag-abot iya sa aton nga Malinao MPS, allegedly ro daya nga asawa ku reportee hay nagpanaw kaibahan ku anang gumankon nga nakasakay sa motor ag owa man it klaro gid kung sa siin gaadto,” pahayag ni PLt. Batiles.
Dagdag pa nito,” So, considering nga ro daya ngara nga angkol ag tiya ngara… sanda ra ro gintaw-an it immediate custody it unga. Meaning sanda ro ginakilaea nga guardian it raya nga unga. So kung tan-awon naton, ma-consider eon imaw nga member it pamilya or pina-immediate nga member it pamilya ron daya nga unga ag normal eang duyon nga nagasakay it motor, ginahatod sa kung siin…sa eskwelahan. So owa man it malisya ro asawa ku alledge suspect kundi nagreport eang iya sa police station. Owa man ngani imaw it intention nga magfile gid it complaint.Basta gin-report malang for future reference.”
Maaring iba umano ang impormasyon na nakarating sa ina ng bata dahilan na nagpost ito sa social media.
Samantala, binigyan-diin ni PLt. Batiles na kapag napatunayan na may relasyon ang nasabing tiyuhin sa naturang bata at sinasamantala nito ang kanyang kahinaan ay maaaring sampahan ng kaukulang kaso ang suspetsado.