Connect with us

Aklan News

Kauna-unahang horror house sa Kalibo binuksan na sa publiko

Published

on

File Photo: Diadem Paderes/Radyo Todo

Sa kabila ng masamang panahon di napigilan ang mga Aklanon na pumila para makapasok sa kauna-unahang horror house sa Kalibo.

Karamihan sa mga pumunta sa opening kahapon ay mga estudyante.

Ayon sa estudyanteng nauna sa pila, alas-4:00 palang ng hapon pagkatapos ng klase ay dumiretso na siya sa labas ng horror house para pumila.

Aniya, excited sila dahil ito ang unang beses na makakaranas silang makapasok sa isang horror house.

Mayroon ring mga food festival na nilahukan ng 11 na mga establisyemento.

Bukas ang horror house simula alas-5 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi simula kahapon, Oktubre 26.