Aklan News
KAUNA-UNAHANG SCHOOL HEADS ACADEMY SA BANSA, INILUNSAD SA BORACAY
Inilunsad na kaninang umaga sa isla ng Boracay ang kauna-unahang School Heads Academy (SHA) sa bansa.
Ayon kay DepEd Region VI Regional Director Dr. Ramir B. Uytico, CESO IV, noon paman ay pangarap na niya na magkaroon ng SHA sa bansa.
“Nasimulan ko to when I was still the superintendent in Dumaguete City. Pangarap ko na magkaroon nito, first yung pangarap ko ay yung Principal’s Academy. Medyo matagal na ang pangarap na ‘to.”
Paliwanag ni Uytico, dito matututukan ang mga nangangarap na maging prinsipal na magkaroon ng hustong kaalaman at kasanayan para maging isang mahusay at epektibong school head.
Sa pamamagitan ng programang ito, magkakaroon ng 20 School Heads Academy sa buong rehiyon at tatawaging “scholars” ang mga mapapabilang sa mga kwalipikadong aplikante, “Tatawagin silang scholars, target dito yung mga Teacher 3, yung hindi pa full-pledge na maging principal.”
Magiging katuwang dito ng DepEd ang mga unibersidad, “Sa universities sila mag-aaral, DepEd officials at mga professors sa Universities ang kanilang magiging guro.”
Dagdag pa ni Uytico, “Darating ang panahon na wala nang principal over the region na hindi gradwado sa SHA para ihanda natin sila na maging effective and efficient na school head.”