Connect with us

Aklan News

KAUNA-UNAHANG TODO SERBISYO PUBLIKO NG RADYO TODO, NAGING MATAGUMPAY

Published

on

Naging matagumpay ang kauna-unahang Todo Serbisyo Publiko, a bloodleeting activity, medical mission and Free Legal Services ng Radyo Todo Aklan na ginanap sa Kalibo Pastrana Park Covered Court nitong Agosto 29, 2022.

Ang nasabing event ay isa sa mga Corporate Social Responsibility ng Todo Media Services sa komunidad sa pangunguna ni General Manager Jonathan Cabrera.

Kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day, nagpaka-bayani ang mga Aklanon sa pamamagitan ng pag-donate ng dugo sa Bloodletting Activity sa pakikipagtulungan ng Philippine National Red Cross Aklan Chapter, Philippine Army, at Philippine National Police.

Mayroong 85 successful blood donors kung saan naka-kolekta ang Philippine National Red Cross na 138,250 cc of blood unit.

Maliban sa bloodletting, nagbigay din ng libreng serbisyo ang mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines Aklan Chapter sa mga Aklanon na nangangailangan ng serbisyo-legal.

Samantala, libreng medical consultation naman ang hatid ng Association of Municipal Health Officer in the Philippines (AMHOP) Aklan at Aklan Medical Society.

Habang libreng-gupit naman ang ibinigay ng mga magigiting na sundalo ng PA.

Lubos din ang pasasalamat ng Todo Media Services sa mga sponors, donors at benefeciaries sa kanilang partisipasyon sa katatapos lamang na aktibidad.