Connect with us

Aklan News

KAWALAN NG PARKING AREA SA KALIBO PUBLIC MARKET, MALAKING DAGOK PARA SA MGA NEGOSYANTE

Published

on

KAWALAN NG PARKING AREA SA KALIBO PUBLIC MARKET, MALAKING DAGOK PARA SA MGA NEGOSYANTE

Malaking dagok para sa mga negosyante ng Kalibo Public Market ang kawalan ng parking area.

Ayon kay Kalibo Public Market Vendors Association President Arnel Meren lubusang naapektuhan ang kanilang kita lalo na ngayong holiday season.

Aniya, mahirap para sa mga mamimili na walang parking area sa merkado publiko ng Kalibo dahilan na bihira na lamang ang pumapasok ng tindahan at namamalengke.

Kung ikukumpara ayon kay Meren sa mga nakalipas na taon sa parehong season ay mas marami ang taong pumapasok sa Kalibo Public Market upang mamili.

Ngunit ngayon aniya ay kaunti nalang ang mga namimili sa kanila dahil sa dahilan na kawalan ng parking area.

Dagdag pa nito na hindi lamang mula sa Kalibo ang namimili sa public market kundi pati na rin ang mula sa ibang mga bayan sa lalawigan ng Aklan.

Pahayag pa ni Meren na paano pa bibili ang mga nagmula sa ibang bayan dahil papalapit pa lamang umano ang kanilang mga sasakyan ay may pumipito na sa kanila at sumisita.

Dahil dito ay nananawagan si Meren sa lokal na pamahalaan ng Kalibo na kung maaari ay magtalaga sila ng lugar na magsisilbing parking area sa mga kostumer ng Kalibo Public Market.

Samantala, sa hiwalay na panayam ng Radyo Todo kay Mayor Emerson Lachica, sinabi nito na maaaring magamit ng mga nais mamili sa Kalibo Public Market lalo na ang may mga dalang private vehicle ang Roxas Avenue Extension papuntang DPWH upang maging pansamantalang parking area lalo na ngayong holiday season.