Aklan News
Kawatan nahuling nagnakaw ng P10k sa isang bahay, nagpahabol pa sa mga pulis, arestado
Arestado matapos makipaghabulan sa mga pulis ang isang kawatan na pumasok at tumangay ng P10,000 sa isang bahay sa Kalibo nitong Sabado.
Kinilala ang suspek na si Jimmy Manahan alyas “Dokling”, 25 anyos na tubong Malolos, Bulacan habang ang biktima ay kinilala namang si Aina Tance.
Batay kay PSSGT Leonnel Cahilig at Patrolman Gerecho Lim, humingi ng tulong sa kanila ang tatlong kapitbahay ni Tance para mahabol ang magnanakaw na nakita nilang tumatakbo palabas ng kanyang bahay.
Nakita nila ang suspek na naglalakad sa may Shell Gasoline Station at nang makita sila nito na may kasamang pulis ay agad itong tumakbo.
Nakorner naman ang suspek sa may Saint Gabriel Medical Center at tagumpay na naaresto ng mga kapulisan.
Pero P185 lang ang perang narekober mula sa kanya.