Connect with us

Aklan News

KITA NG ILANG DRAYBER, SAPAT NA LAMANG PAMBILI NG ASIN

Published

on

File Photo

Sapat na lamang pambili ng asin ang inuuwing kita ng mga jeepney drayber dahil sa walang prenong taas-presyo sa produktong petrolyo.

ni Rex Pilar, isang jeepney drayber na biyaheng Tangalan-Kalibo vice versa sa panayam ng Radyo Todo kaugnay sa kanilang sitwasyon ngayon matapos sumipa na naman ang presyo ng petrolyo sa merkado.

Ayon kay kuya Rex, masakit para sa kanila ang nangyayari ngunit wala silang magagawa kundi ang magtiis.

Nakikipagsapalaran na lamang aniya sila kung ano ang mangyayari sa kanilang biyahe sa loob ng isang araw.

Ikinuwento rin ni Rex na madalang ang mga pasahero sa ngayon kung saan sa kaniyang biyahe kaninang umaga ay mayroon lamang siyang limang pasahero kahit may tatlong minute na siyang nakapila.

Kung ikukumpra aniya ang kanilang kinikita noong mababa pa ang presyo ng krudo ay nakakapag-uwi sila ng isang libong piso kung saan maaari silang makakuha ng P300 o P400 bilang kanilang porsiyento.

Ngunit sa ngayon aniya mataas na ang isandaang piso at minsan ay P50 pesos na lamang ang kanilang kinikita kaya’t may mga pagkakataon na binibigyan na lamang sila ng prebelihiyo ng kanilang mga operators para sa kanilang isang araw na pakikibaka sa kalsada.

Samantala, pinapatos na lamang ng mga drayber ang dalawang piso o kahit piso na deperensiya sa presyo ng petrolyo ng mga gasolinahan at doon nagpapakarga.