Aklan News
Klase sa ilang bayan sa Aklan, suspendido dahil sa orange rainfall warning ng PAG-ASA
Sinudpinde ng ilang lokal na pamahalaan sa Aklan ang klase dahil sa inilabas na orange rainfall warning ng PAG-ASA.
Unang nag anunsyo si Mayor Juris Sucro ng abiso na suspendido ang pasok sa daycare, kindergarten at elementarya sa Kalibo.
Sinundan ito ng pag-anunsyo ng iba pang mga LGU gaya ng LGU Ibajay na sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa bayan batay sa abiso na inilabas ni Mayor Jose Miguel Miraflores.
Kaugnay nito, nag-anunsyo na rin ng class suspension ang LGU Makato, LGU Libacao at LGU Banga.
Ang Orange Rainfall Warning ang ikalawang level ng heavy rainfall warning kung saan aabot sa 75,000 hanggang 150,000 drums/square kilometer ang ulan na inaasahang bubuhos sa lugar.
Pinapayuhan ng pamahalaan ang lahat na maghanda sa anumang insidente na posibleng idulot ng malakas na pag-ulan.