Aklan News
KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA AKLAN, SUSPENDIDO DULOT NG BAGYONG ‘TISOY’
Kalibo, Aklan – Maagang nag-anunsyo ng kanselasyon ng klase ang Department of Education (DepEd) sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Aklan bilang paghahanda sa bagyong Tisoy.
Unang inanunsyo ang suspensyon sa klase mula Preschool hanggang Secondary level batay sa DepEd Order No.43, s. 2012 o Rules on the Cancellation or Suspension of Classes kung saan otomatikong kinakansela ang klase sa naturang antas kapag nasa ilalim na ang lugar sa signal number 2.
Kanselado na rin ang lahat ng klase sa mga campus ng Aklan State University at iba pang kolehiyo sa Kalibo.
Wala na ring pasok ang mga empleyado sa mga opisina ng gobyerno sa Malay maliban sa MDRRMO, MHO, MSWDO, GSO, at Municipal Engineering Office.
Kaugnay nito, suspendido na rin ang mga biyahe ng bangka papasok at palabas ng Boracay pati na ang mga biyahe ng Roll-on Roll-off (RoRo) vessels patungong Mindoro, Romblon, at Batangas dahil sa bagyong Tisoy.