Connect with us

Aklan News

Kolektor, hinoldap sa may Regador, Ibajay

Published

on

HINOLDAP umano ang isang kolektor habang binabaybay ang pakurbang daanan sa Regador, Ibajay pasado alas-10 ng umaga nitong Lunes.

Kinilala ang kolektor na si Alvin Ore.

Ayon sa biktima mula pa umano siya sa bayan ng Kalibo at patungo sana ng Caticlan ng mangyari ang panghoholdap sa kaniya.

Lumabas naman sa imbestigasyon ng Ibajay PNP na pagdating nito sa pakurbang kalsada ay dito na hinarangan ng suspek ang kalsada gamit ang isang kahoy.

Dahil sa paglagay ng kahoy, sumemplang ang motor na sinasakyan ni Ore at dito na kinuha ng suspek ang slingbag na naglalaman ng kaniyang koleksyon.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon at backtracking ng mga CCTV sa nasabing lugar para malaman ang pagkakakilanlan ng suspek.