Connect with us

Aklan News

Komentarista sa Aklan, guilty sa kasong libelo

Published

on

Guilty sa kasong libelo ang isang radio announcer at commentator makaraang magpalabas ng desisyon ang korte laban dito.

Hinatulan ng Regional Trial Court (RTC) 6th Judicial Region branch 8 Kalibo, Aklan na “guilty beyond reasonable doubt” ang radio announcer at commentator ng Radyo Birada ng Radio Boracay Station na si Jimmy Bañares bunsod ng kanyang mga mapanirang pahayag sa radyo.

Ang nasabing radio program ay umi-ere mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga sa buong isla ng Boracay at sa mga karatig na lugar.

Ang kaso ay isinampa Yong Qiang Zhu, isang Chinese national at may-ari ng Sea Park Diving Inc., isang scuba diving school sa isla ng Boracay.

Ibinaba ni Judge Nelson J. Bartolome ang hatol ni Bañares kung saan inatasan din ng korte ni Bañares na bayaran ng danyos ang Chinese national ng P150,000.

Nag-ugat ang nasabing kaso matapos nitong tawaging “taruntado”, “walang hiya “maliit ang utak”, “mayabang”, “kupal”, at “bastos” kasunod na umano’y akusasyon ni Mervin Enrique laban sa complainant.

Binantaan pa ni Bañares ang Chinese national na may kalalagyan at uupakan niya ito.

Nagtuloy-tuloy pa ang mga banat ni Bañares laban sa complainant sa kabila ng personal na itong nakipagkita sa kanya upang linawin ang kanyang pangalan at nagpakita pa ng mga dokumentong magpapatunay na gawa-gawa lamang ang akusasyon ni Enrique laban sa kanya.