Connect with us

Aklan News

KONSEHAL NG LUNGSOD PINAALALAHANAN ANG LAHAT LABAN SA POLIO.

Published

on

LUNGSOD NG ROXAS – Gamit ang privilege hour, ipinaalala ni Konsehal Dr. Cesar Yap ang taumbayan laban sa pagdami ng kaso ng polio sa buong bansa, noon Miyerkoles sa regular session ng Sangguniang Panlungsod.

Ipinaliwanag ni Dr. Yap na ang sakit na polio ay sanhi ng polio virus na naikakalat dala ng hangin. Ito ay maaaring magmula sa mga taong apektado ng virus at maaari itong mailipat sa ibang taong hindi apektado kung hindi tayo maging malinis sa ating kapaligiran katulad ng pagdudumi sa labas o hindi gumagamit ng kubeta.

Ipinunto din ni Yap na ang lungsod ay binubuo ng 47 ka mga barangay ngunit 20 dito ang meron pang ‘open defecation’ o mga sambahayan na walang sariling kubeta.

Dagdag pa ni Yao na ang polio ay nagpaparalisa sa mga bahagi ng katawan na naghahantong sa hindi paggana nito.

Ang masaklap pa, dagdag ni Yap, na kapag umakyat sa utak ang pagkaparalisa ng biktima ay maaari itong humantong sa kamatayan.

Madali lamang ani Yap ang paggamot o pagsugpo ng sakit na polio. Dapat, ayon kay Yap, na maging malinis tayo sa ating kapaligiran at kung maaari ay magpabakuna sa anti-polio vaccine. Hindi naman ito masakit na bakuna dahil ito ay hindi itinuturok sa pasyente kundi ipinapatak lamang ito sa bunganga.