Aklan News
Konseho ng Malay, walang endorsement para sa P8-bilyon Boracay bridge project


‘Owa kami it endorsement sa duyon nga proyekto.’
Ito ang inihayag ni Malay Sangguniang Bayan member Alan Palma Sr. hinggil sa P7.95-bilyong panukalang Boracay bridge ng San Miguel Corp. (SMC) na mag-uugnay sa isla ng Boracay at Mainland Malay.
Aniya, “as far as I can remember, owa kami it endorsement sa duyon nga proyekto.
Sa katunayan ayon kay Palma, noong Marso nang mag-post sa kanilang social media ang DPWH na naghahanap ng local at foreign bidders ay isinama niya sa kaniyang privilege speech sa Sangguniang Bayan ang tungkol dito.
Nais kasi ng konsehal na pagpaliwanagin ang DPWH national kung ano ang kanilang basehan at nag-iimbita na sila ng bidders.
Giit ni Palma, “kung aton nga tan-awon, indi man abi ikaw magpa-bid out kung owa it dokumento halin man sa anda nga ahensiya… nga sanda hay officially nagaduso it proyekto.”
Nagtataka din siya kung saan nanggaling ang direktiba na magpa-bid out gayundin kung bakit hindi nagbigay ng abiso ang DPWH sa local government bago sila nagpost na sila ay nagapabidding na.
Dagdag pa nito, “I’m afraid nga basi ginpa-bidding ron kag basi may nataw-an eot-a it kontrata ag makibot lang ang Malaynon nga may nagapugsok eon it poste it tulay. So, that’s the reason why I open it up.”
Samantala, nang matanong naman si SB member Palma tungkol sa kanyang posisyon sa nasabing proyekto, sinabi nito na may tatlong factor siyang tinitingnan.
“Una, until such time nga owa it pagplastar kung ano ro alternatibo nga pagahimuon it national government or whoever […] to this Boracay bridge nga indi maplastar ro mga affected association ag livelihood it mga Malaynon. Second, of course ro environmental impact. Pangatlo, kung ano ro sistema in case nga maga-operate sanda. Ang charges sa anda nga toll fee. Kay syempre, mabahoe nga question kay mawad-an it terminal fee ro Malay kag ang probinsiya. Ano bala? Ikarga didto sa toll fee? And pila rom aga-incur nga fees and charges in case nga may magamit it tulay ngaron. Pang-apat, will they allow CBTMPC to operate in spite of the establishment of this bridge?,” paglalahad ni Palma.
“Ang akon malang. I cannot just merely say yes or no […] For me, this is my stand, kung indi maplastar ang mga ginpanghambal nakon , definitely I will somehow say nga indi gid ako magkumpurmi nga magplastar it tulay kung indi ma-resolve ang mga gin-mensyunar nakon nga mga factors sa pag-establish it tulay,” pagtatapos nito.