Connect with us

Aklan News

Konstruksyon ng bagong Kalibo Public Market, sisimulan na ngayong linggo

Published

on

SISIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang konstruksyon ng bagong merkado publiko.

Ayon kay Mary Gay Q Joel, head ng MEEDO-Kalibo, magsisidatingan na ngayong Linggo ang mga heavy equipment na gagamitin sa nasabing construction pati na ang mga engineers at ilang skilled workers.

Batay naman kay Kalibo Public Market Administrator Noe Pador, nagpatawag ng emergency meeting ang alkalde nitong Biyernes kaugnay sa pagsisimula ng konstruksyon ng pamilihan.

Plano umano na ayusin ang second floor ng bahaging nasunugan para doon i-relocate ang mga vendors ng dry section ayon sa hiling ng mga nagtitinda.

Ang fish at meat section naman ay planong ilagay sa center portion ng public market.

Isinuhestyon din aniya nila sa contractor na bigyan ng lahat ng mga vendor ng temporaryong malilipatan para walang malugi sa mga ito.

Kaugnay naman sa market day tuwing Linggo, pinag-uusapan pa nila kung saan ito pwedeng ilipat habang ginagawa ang pamilihan

Ang Bagong Kalibo Public Market ay isang 3 storey building na matatagpuan sa Barangay Andagao at pinondohan ng lokal na pamahalaan ng P300 million./MAS