Connect with us

Aklan News

KONTRATA SA GLOBAL BUSINESS POWER CORP. HINDI NA IRE-RENEW NG AKELCO

Published

on

HINDI na magre-renew ng kontrata sa Global Business Power Corp. ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO).

Ito ay kaugnay sa dieseled power plant ng Global Business Power Corp na matatagpuan sa Barngay Mabilo, New Washington.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Atty. Ariel Gepty, General Manager ng AKELCO, sinabi nito na ang naturang planta ay hindi gaanong pinapa-andar nila dahil masyadong magastos.

Sakali kasing mag-operate ito, magkakaroon ng additional extra cost maliban sa generated power nito na magiging dagdag pasanin sa mga member-consumer ng AKELCO.

“Duyon nga atong planta una sa New Washington ngaron, kat aton nga diesel plant nga may ka-kontrata kita karon sa Global, Owa ta haeos naton ron ginapa-andara dahil masyado nga magastos, sa parte it aton nga member-consumer. Dahil kun paandaron naton don abi hay may una kita nga additional nga extra cost karon mag-eowas sa generated power nana hay mga adjustment sa mga fuel.”

Saad pa ni Gepty na kapag ito’y ginamit, hindi rin naman makakabenepisyo nito ang mga miyembro-konsumidor ng kooperatiba.

Maaaring dahil pa sa paggamit ng nasabing dieseled power plant ay tumaas pa ang singil sa kuryente.

“So ngani bukon it bentaha nga gamiton naton, sa parte man it kooperatiba dahil indi magpanipueos ro aton nga mga member-consumer. Sa dikaruyon nga pamaagi hay basi magtaas pa gihapon ro aton nga sinueoktan sa kuryente.”

Pagdidiin pa ni GM Gepty na iniiwasan nila itong mangyari dahil ayaw nilang lubos na mahirapan ang mga member-consumer ng AKELCO.

Aniya pa, ang kontrata sa gitna ng Global Business Power at ng kanilang kooperatiba hingil sa nasabing planta ay magtatapos na sa loob ng limang taon.

Binigyaan-diin naman ng AKELCO General Manager na nagagamit ang naturang planta kapag may mga bagyo o kalamidad na tumama.

Nagagamit aniya ito upang ma-sustain ang mga vital installation sa lalawigan ng Aklan.

Samantala, sa ngayon ayon kay Gepty, prayoridad ng AKELCO ang pagkakaroon ng dagdag na substation at gawin itong mas modern para sa maganda at maayos na kalidad ng kuryente sa lahat ng mga miyembro-konsumidor nito.