Aklan News
Korean nationals, nakatakdang lumipad ngayon pabalik ng SoKor
Kalibo, Aklan – Nakatakdang lumipad ngayon pabalik ng South Korea ang mga Korean nationals na nakapasok sa Aklan bago paman amyendahan ang EO 19 ni Gov. Florencio Miraflores na nagbabawal sa mga dayuhan na pumasok sa probinsiya.
Kinumpirma ni Aviation Security Group Commander PCPT Ricky T. Waniwan, na ngayong alas-10:30 ng umaga nakatakda ang flight ng mga ito pabalik ng kanilang bansa.
Ayon pa kay Waniwan, ang ilan sa mga Korean nationals na ito ay mula sa Boracay at Iloilo.
Bukod pa rito, kinumpirma niya na may lumapag pang eroplano kagabi sa Kalibo International Airport sakay ang nag-iisang pasahero na taga Makato.
Sasailalim aniya ang pasahero sa self-quarantine dahil hindi naman ito nakitaan ng anumang sintomas ng sakit.
Dagdag pa nito, nakaalerto na ang kanilang buong tropa sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa KIA.