Connect with us

Aklan News

Korean restaurant, nilooban ng 3 menor de edad; P17K at cellphone natangay

Published

on

Pinasok ng tatlong menor de edad ang isang Korean restaurant sa bayan ng Kalibo nitong madaling araw ng Biyernes.

Bukas na ang main door ng restobar pati ang mga cabinet nang madatnan ng cashier na nagtatrabaho doon kinaumagahan.

Batay sa imbestigasyon ng mga kapulisan, papasok na sana ang isang cashier sa naturang establisyemento nang mapansin na sira na ang gripo sa labas at bukas na rin ang kanilang mga locker.

Nang papasok na ito ay bukas na rin ang main door rason para makaramdam ito ng pangamba.

Una umano nitong pinuntahan ang cashier area at doon nakita na nakasusi na ang vault at wala na rin ang halos P17,000  na nakapaloob rito.

Nadiskubreng, wala na rin ang kanilang company cellphone.

Nang ireview ang CCTV doon nakita ang tatlong lalaking menor de edad na nanloob rito.

Mabilis namang natukoy at nahuli ang tatlo kaninang umaga at nakuha sa kanila ang P8,450 na natirang pera mula sa kanilang ninakaw.

Napag-alaman na nasa edad 11 anyos at 13 anyos pa lang ang mga ito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na sila ng Kalibo PNP habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.