Connect with us

Aklan News

KOREANO, KALABOSO MATAPOS MAGPANGGAP NA KINIDNAP

Published

on

Contributed photo

Numancia – Kalaboso ang isang Koreano matapos umanong magpanggap na kinidnap.

Kinilala ng Numancia PNP ang Koreanong si Wuoo Jin Won, 38 anyos at pansamantalang naninirahan sa Camanci Norte, Numancia kasama ang kanyang live in partner.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, bandang alas 5:15 kaninang umaga nang makipag-ugnayan sa kanila ang team nina Police Major Nestor Acebuche ng Anti-kidnapping Visayas field unit upang mahanap at marescue ang Koreano.

Subalit ayon sa Numancia PNP, inamin umano ng Koreano na nagbibiro lamang siya sa sinabi nito sa kanyang mga magulang kaugnay ng pagkidnap umano sa kanya.

Dahil dito, inaresto ang nasabing Koreano at sinampahan ng kasong unjust vexation.

Nang makausap ng Radyo Todo, sinabi nitong nagawa lamang niyang magsinungaling sa kanyang mga magulang dahil kailangan niya ng pera matapos matigil sa kanyang trabaho bilang tour guide sa Clark, Pampanga.

Nagpaabot din siya ng paghingi ng paumanhin sa mga pulis dahil sa abalang idinulot niya.

Samantala, nabatid na naasikaso na rin nila ang kanyang piyansang P2,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.