Connect with us

Aklan News

Kotse aksidenteng sumalpok sa kasunod na delivery van

Published

on

Sira ang harapang bahagi ng isang kotse matapos na aksidente itong sumalpok sa kasunod na delivery van sa bahagi ng Toting Reyes St., Kalibo dakong alas-3:00 ngayong hapon.

Batay sa kwento ng sakay ng delivery van, pabalik na sana sila sa warehouse na kanilang pinagtatrabahuhan nang mangyari ang aksidente.

Dahil traffic umano sa lugar ay pahinto-hinto ang takbo nila at nagulat nalang sila nang may sumalpok sa may likurang bahagi ng van.

Samantala ayon naman sa driver ng kotse, hindi umano gumana ang preno ng kaniyang sasakyan kaya’t sumalpok ito.

Kaagad namang nagkaareglo ang mga sangkot.