Connect with us

Aklan News

Kotse at tricycle nagkasagian sa Kalibo

Published

on

Kotse at tricycle nagkasagian sa Kalibo

Gasgas ang tinamo ng isang kotse matapos nitong makasagian ang tricycle sa bahagi ng Roxas Ave., Kalibo nitong alas- 5:30 ng hapon nitong Biyernes.

Napag-alaman na minamaneho ng 53-anyos, residente ng Pob. Makato ang tricycle habang ang kotse naman ay minamaneho ng 45-anyos na residente naman ng Brgy. Naisud Ibajay.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo Pnp, parehong mula sa Pob.Kalibo ang dalawang nga sasakyan na papuntang direksyon ng Numancia.

Ngunit nang paakyat na sana sa Kalibo-numancia bridge ay doon na nangyari ang sagian.

Sinasabing dahil traffic sa lugar ay magkakalapit na umano ang mga sasakyan.

Dahil dito, gasgas sa gilid na bahagi ng bumper ang natamo ng kotse habang hindi naman napaano ang tricycle.

Wala namang nasugatan sa nangyaring aksidente.