Connect with us

Aklan News

Kotse inararo ang isang tricycle at dumeretso sa tatlo pang nakaparadang sasakyan

Published

on

SUGATAN ang isang tricycle driver matapos  mabangga ng isang humaharurot na kotse ang kanyang tricycle kaninang umaga sa may Jaime Cardinal Sin, Andagao, Kalibo.

Kinilala ang biktimang si Medel Valenzuela, nasa legal na edad, taga Dongon, Numancia.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing sa direksyon ng New Washington papunta sa Poblacion si Valenzuela nang salpukin ng kotse na minamaneho ni Thaddeus Isberto, 31 anyos, residente ng G Ramos St., Poblacion, Kalibo na galing sa kaparehong direksyon.

Dumeretso pa ang kotse at inararo ang tatlo pang nakaparadang sasakyan na kinabibilangan ng isang tricycle na pagmamay-ari ni Kristine Joy Mesina, isang topdown na pagmamay-ari ni Albert Calizo at kotse ni Darwin Roldan.

Dinala agad sa pinakamalapit na ospital ang tricycle driver na si Valenzuela.

Samantala, nakakustodiya naman ngayon sa Kalibo PNP station ang driver ng kotse na napag-alaman na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.