Connect with us

Aklan News

KOTSE, MOTORSIKLO, AT SIDECAR, INARARO NG TRAYSIKEL NA MINAMANEHO NG LASING

Published

on

Kalaboso ang isang lasing na driver matapos nitong araruhin ang isang kotse, motorsiklo, at side car ng traysikel bandang alas-9:00 nitong gabi sa bahagi ng Bakhaw Sur, Kalibo.

Nakilala ang lasing na driver ng pampasaherong traysikel na si Manuel Arevalo, 46-anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, inararo umano nito ang mga nakaparadang kotse doon, pati na ang motorsiklo at side car ng isang traysikel.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala ang mga nasabing sasakyan, habang mapalad namang walang nasugatan sa insidente.

Kaagad namang nagkaareglo sa presento ng Kalibo PNP ang magkabilang panig, at nagkasundong ipagkatiwala sa barangay justice system ng Bakhaw Sur ang anumang magiging kasunduan nila.

Samantala, bagama’t nakauwi na kinalaunan ang driver, nabatid na dala rin nito ang kanyang tiket dahil sa kanyang mga violations o paglabag sa batas.

Continue Reading