Connect with us

Aklan News

Kotse vs trike, nagbanggaan sa Kalibo

Published

on

KOTSE VS. TRICYCLE NAGBANGGAAN SA KALIBO

Basag ang salamin sa sidecar ng tricycle habang yupi naman ang bumper ng isang kotse matapos itong mabanggaan sa bahagi ng Martelino St. corner Archbishop G.M Reyes St., Poblacion, Kalibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Napag-alaman na 60-anyos na residente ng Aliputos, Numancia ang tricycle driver habang senior citizen rin na residente ng Kalibo ang driver ng kotse.

Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula umano sa Archbishop St. ang tricycle habang mula naman sa Martelino St. ang kotse ngunit pagdating sa nasabing lugar ay doon na nangyari ang aksidente.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, basag ang salamin sa sidecar ng tricycle habang nagtamo din ng yupi ang kotse.

Samantala, dinala naman ang parehong mga sangkot sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.