Connect with us

Aklan News

Kridibilidad ng Aklan media iaangat ng AMIA

Published

on

Nangako ang mga bagong halal na opisyales ng Aklan Media Integrated Alliance (AMIA) na iaangat nila ang kridibilidad ng media sa Aklan.

Ito ay sa kabila ng isyung bumabalot ngayon sa Aklan media industry kung saan sangkot ang isang media personality dahil sa mga panloloko nito.

Ayon kay Mr Noel Cabobos, presidente ng AMIA, mas pasisiglahin pa nila ang fraternal spirit ng bawat miyembro ng Aklan media industry sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at proyekto na kanilang ilulunsad.

Magsasagawa din aniya sila ng mga skills development program para sa mga miyembro ng media sa lalawigan katulad ng writing at broadcasting seminars.

Balak din ng AMIA na magkaroon ng programa gaya ng health insurance, medical assistance at iba pa para pamilya ng mga biktima ng media harassments at kalupitan.

Binigyan-diin pa ni Cabobos na kailangang mapigilan ang paglaganap ng fake news at fake narratives sa Aklan.

Samantala, maliban kay Cabobos, binubuo ang AMIA nina Boy Ryan Zabal ng Aklan News Forum bilang Vice President, Che Indelible (Energy FM) bilang Secretary, Philip Alfaro (Radyo Todo)  bilang Treasurer, at Joemer Soriano (Brigada News FM)  bilang Auditor at mga Board Members nito na pinangungunahan ni Mr. Jonathan Cabrera kasama sina John Chester Redecio (Bombo Radyo), Ernie Sambuang (RMN-dyKR), Jun Ariolo Aguirre (GMA TV/Rappler), Jodel Rentillo (Radyo Todo), Ronnel Irodestan (Radyo Natin Kalibo), and Edwin Ramos (Radyo Bandera Kalibo).

Manunungkulan ang mga bagong halal na opisyales ng AMIA mula 2022 hanggang 2023.