Connect with us

Aklan News

Kumukunsumo ng kuryente na 20kwh pababa, libre ng AKELCO sa Marso-Abril

Published

on

Kumukunsumo ng kuryente na 20kwh pababa, libre ng AKELCO sa Marso-Abril

KALIBO – Sa halip na magbigay ng mga relief goods, nagpasya ang AKELCO na gawing libre ang kuryente ng mga ‘lifeline consumers’ o mahihirap na kabahayang kumukonsumo ng 20 kilowatts pababa na kuryente para sa buwan ng Marso at Abril.

Ayon kay AKELCO General Manager Alexis Regalado ito ay tinawag nilang Pantawid Liwanag Program na layong makatulong sa mga kunsumidor na apektado ng COVID-19 crisis.

Target na tulungan ng programa ang humigit kumulang 41, 000 na bilang ng mga lifeline consumers sa Aklan.

Aabot aniya ang halaga ng kanilang pinagsamang bill sa P3.5 milyon.

Samantala, hahatiin naman sa apat na installment ang bill ng mga kunsumidor na lumagpas sa 20kwh ang nakunsumong kuryente sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Ayon pa kay Regalado, magbibigay sila ng grace period sa pagbabayad ng kuryente depende sa magiging sitwasyon sa mga susunod na araw o buwan.

Pero nakiusap ito sa mga kunsumidor na may pera at kaya namang magbayad ng kuryente na magbayad na dahil kailangan din nila ng perang gagamitan para sa kanilang operasyon.

Maaari rin aniyang bisitahin ng mga kunsumidor ang www.akelco.ph para sa mga billing concerns. Hanapin lang ang “Billing Inquiry”, i-type ang “Account Number” at pindutin ang “View Arrears” para makita ang bill.

Pwede rin na mag-iwan ng mensahe sa official Facebook page @AKELCOINC, ilagay lang ang account name, account number at complete address o itext ang parehong detalye sa AKELCO Infotext number 09088815454.