Connect with us

Aklan News

Kuya pinana sa dibdib ng mismong nakababatang kapatid

Published

on

Photo: Canva

Kailangan ngayong isailalim sa operasyon ang isang 41 anyos na lalaki dahil sa tama ng pana sa dibdib na tinamo nito mula sa kanyang nakababatang kapatid.

Kinilala ng Ibajay PNP ang biktimang si Reynaldo Taratara, 41-anyos habang ang suspek ay kinilalang si Rocel Taratara, 33-anyos, parehong mga residente ng Brgy. Bugtongbato, Ibajay.

Batay sa ulat, pasado alas-11 kagabi nang pumunta ang suspek sa bahay ng kanilang ina kung saan naninirahan ang biktima.

Nagising ang biktima sa sigaw ng suspek kaya ito lumabas ng bahay.

Doon na siya pinana ng kapatid na sinasabing nasa impluwensya ng alak.

Isinugod sa ospital ang biktima pero hanggang ngayon ay hindi pa natatanggal ang pana sa kanyang dibdib.

Samantala ang suspek naman ay nasa kustodiya na ng Ibajay PNP station habang hinihintay ang desisyon ng pamilya kung sasampahan ito ng kaso o hindi.