Connect with us

Aklan News

KUYA, TINAGA NG KAPATID

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos tagain ng mismong kapatid bandang alas 5:30 kahapon sa Nalook, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Rolenie Moronio Sancio, 38 anyos, at ang kapatid nitong suspek na si Renie Moronio Sancio, 34 anyos pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, parehong lasing ang magkapatid nang magdiskusyon sa hindi nalamang dahilan na nag resulta ng pananaga ng kapatid sa kanyang kuya.

Ayon naman sa suspek, nakaupo lamang siya sa loob ng kanilang bahay nang walang anumang dahilan ay sinuntok siya ng kanyang kuya.

Dahil dito, kaagad umano siyang kumuha ng itak at pinagtataga ang kanyang kuya na nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t-ibang parte ng katawan.

Kaagad dinala  sa ospital ang biktima, habang nasa kustodiya ngayon ng Kalibo PNP ang suspek matapos maaresto ng mga pulis.